Huwebes, Disyembre 27, 2012

Ang Pinoy Jokes, totoong nakakawala ng problems

Minsan, kung meron kang isang problema, di mo maiwasang mag isip ng kung ano ano.  Marahil ay walang makapag sabi sa yo kung ano ang pwede mong gawin para mabawasan naman ang problema mo, o kaya mahirap solusyonan ang mga ito.

Ang Alam lang namin, para mabawasan ang dinadala mong problema ay ang tumawa ka.  Oo andyan na tayo, nakaka baliw naman kung napaka tindi ng problema mo tapos sasabihin ko lang na ang solusyon lang dun ay tawanan mo.  Pero totoo po yun, kung masaya ang pagkatao mo, madaling maka isip ng solusyon sa mga problema, ito ang mga dahilan dito:

1) Marami kang magiging kaibigan kung masayahin ka.
2) Magiging positive ang pag iisip mo kung masayahin ka.
3) Makakalimutan mo ang problema pansamantala, tapos bukas handa ka nang harapin ang mga ito.
4) Mas mapapawi ang lungkot mo kung may nagpapasaya sayo gaya ng mga pinoy jokes di ba?

Kaya relax lang, wag masyadong isipin ang mga problema, may solusyon sa bawat pagsubok.
At bukas, pag gising mo, may mga ngiti na na yayakap sa'yo.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Affiliate Network Reviews